Palayan

Ang buhay ng tao parang mga palayan

na natatanaw sa daan pauwi sa amin.

 

Binabagyo, nababad sa araw,

binabaha’t tinatangay ng hangin.

 

Ngunit sa huli’y, namumunga pa rin

upang sa ‘ting mga hapag ay may maihain.

 

17 February 2020. 2141 HRS.

Leave a comment

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑