Nais ko lang naman marinig ang huni ng mga ibon.
Ngunit aking narinig ay ang makinang bakal na naguumpugan,
Ang mga ugong ng rumaragasang sasakyan,
Ang tunog ng motor paakyat na kalsada
Jusko nais ko na lang silang sigawan.
.
Nais kong lang naman marinig ang mga kawayang nagsasayawan.
Habang umiihip ang malamig at sariwang hangin.
Ipinikit ko ang aking mga mata —
Nyamet! Rumaragasa na naman ang sunod-sunod na sasakyang paakyat sa kalsada.
May motorcade ba??
.
Tumahimik.
Lumipas ang dalawang minuto.
.
Makina na naman — tunog ng mga pinuputol na puno.
Wow! grabe anong klaseng background music to?
Mga puno ang pumapaligid sa akin pero dinig ko ang mga tunog ng mga ikinakatakot kong unti-unting lalamon sa magandang tanawin na ‘to.
.
(25th OCTOBER 2020. 1253HRS. BAGUIO CITY)